2 patay dahil sa sunog

30

Umabot sa ikatlong alarma ang nangyaring sunog kaninang madaling araw sa Brgy Tetuan, Zamboanga City na nagresulta naman sa pagkasawi ng (2) dalawang katao.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Allen Abastilla, isang local news writer at Jun Vicente pawang mga residente ng lugar.

Base sa report, nasa 7 kabahayan na gawa sa light materials ang mabilis na tinupok ng apoy kung saan pinaniniwalaang nastranded nga ang mga biktima.

Nabatid na natagpuan si Abastilla na sukbit ang kanyang backpack na hinihinalang nabagsakan ng nasusunog na kahoy dahilan na tuluyan itong natrap samantalang si Vicente ay possibleng nabagsakan rin ng di pa matukoy na bagay habang kinukuha ang kanyang motorsiklo.

Nagpapatuloy pa naman sa ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection pahinggil sa nangyaring sunog.

Habang nagsasagawa na rin ng profiling at assessment ang CSWD para sa mga apetadong residente.

Sa ngayon ay pansamantala munang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak ang mga nasunogang biktima.