Sugatan na isinugod sa pagamutan ang dalawang katao na nasangkot sa aksidente sa daan sa Barangay Manaulanen, Tugunan sa SGA-BARMM kahapon ng umaga.

Kinilala ang dalawang sugatang magkaangkas sa motor na sina Datu Ali Sanday at ang backride nito na si Kumo Mamaila na taga Barangay Katilakan habang ang may-ari ng naturang sasakyan ay si Tugunan OIC Konsehal Racs Pangato-Gilman.

Batay sa mga paunang imbestigasyon, kapwa binabagtas ng motor at sasakyan ang kahabaan ng provincial road ng akmang mag-oovertake ang motor at ng may makasalubong ito, dito na sumalpok ang motor sa likurang bahagi ng sasakyan.

Dahil sa lakas ng paglakabangga, tumilapon ang dalawa sanhi upang magtamo ito ng mga tama at sugat sa katawan habang wasak naman at yupi ang likuran ng sasakyan at wasak din ang motor.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima ng BLGU-Manaulanen.

Hindi na rin umabot sa kasuhan ang nasabing aksidente dahil inareglo na ng dalawang panig ang nasabing insidente na di naman din nila parehas na ginusto.