Nagpapagaling sa ngayon ang isang retiradong sundalo matapos itong undayan ng taga ng kanyang kapwa retiradong sundalo kagabi sa Barangay Baguer, Libungan, Cotabato.

Base sa ulat, kinilala ang biktima na si Nonoy, 67 habang ang suspek naman ay kinilalang si Digong, 45 pawang na residrnte sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumunta umano si Digong sa bahay ng biktima at nagdebatehan ito at nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa nagpaputok ang suspek sa biktima ng baril ngunit di ito tinamaan kung kaya’t tinaga nya ito.

Matapos na tagain ng suspek ang biktima, mabilis itong tumalilis ng takbo habang mabilis naman na itinakbo sa pagamutan si alyas Nonoy.

Sumuko namang kusa ang suspek sa mga opisyal ng barangay bitbit ang baril at bolo at idinala na ito sa himpilan ng pulisya para mapanagot.

Hindi pa matukoy ang pinag-umpisahan ng pag-ala rambo ng nasabing retired army na si alyas Digong.