Aabot sa 500 na gramo ng suspetsadong ipinagbabawal na droga ang nasabat ng mga tropa ng PDEA-BARMM sa dalawang suspek na kinilalang sina “Datu” at “Saima” matapos na ikasa ng ahensya ang buy-bust sa mga ito pasado alas 4 ng hapon kahapon sa bahagi ng Poblacion Singko, Cotabato City.

Nakuha sa dalawang kolokoy ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang aabot sa 500 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso P500,000.00, bust money, mga telepono na hinihinalang ginagamit sa transaksyon at iba pang non-drug paraphernalia.

Naging katuwang ng PDEA-BARMM sa misyon ang mga kasapi ng CCPO, PNP Maritime, MBLT5 at CCPSO. Nasa kustodya na ng PDEA-BARMM ang naaresto at mahaharap sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165.