Patay ang dalawang katao ng tambangan ang kanilang sinasakyang motor ng di pa tukoy na suspek sa bahagi ng Barangay Langgapanan, bayan ng Sultan sa Barongis sa Maguindanao Sur pasado alas 9 ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni Police Regional Office-BAR Spokesperson Lt.Col. Jopy Ventura, kinilala ang mga tinambangan patay na sina Faizal Ulangkaya y Abas, 50 na taga Poblacion, Buluan habang kinilala naman ang isa sa alyas na Nasrudin na taga Dimalebas sa kaparehas ding bayan ng Buluan.
Ayon sa mga ulat ng nakasaksi, sakay ang mga ito ng Honda Wave 110 na motor mula Buluan patungong Barangay Bulod sa Sultan Sa Barongis ng pagbabarilin ang mga ito ng mga suspek.
Maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng dalawa sanhi upang mapaaga ang kanilang pagkasawi.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing pananambang at sa pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek sa krimen.