Sa kulungan ang bagsak ng dalawang kalalakihan na nag tutlak ng ipinag babawal na droga sa Barangay Banisilan sa Cotabato Province gabi ng Martes, November 5.
Ayon sa naging ulat ng hepe ng Banisilan Municipal Police na si Major Arvin Cambang, hindi na nakapalag pa ang mga suspek na sina Ramroel Montales Repoylo at Michael Samrana Sinonggaya ng sila ay arestohin ng kapulisan.
Ani Cambang, hindi man kalakihan ang halaga ng droga na kanilang nakumpiska sa pag-iingat ng dalawa ay sapat na itong ebidensya para kaharapin nila ang kasong paglabang sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.