Inilunsad ng Philippine Red Cross Cotabato City–Maguindanao Chapter ang SWITCH Maguindanao Project, na nakatuon sa pagbabago ng coconut MSMEs tungo sa circular, inclusive, at sustainable na operasyon.

Sasaklawin ng programa ang Datu Odin Sinsuat (MagNorte) at Datu Anggal Midtimbang (MagSur), kung saan tig-sampung benepisyaryo mula sa dalawang lugar ang kabilang, para sa kabuuang 20 MSME participants.
Ayon sa initial project outline, tatagal ang implementasyon ng tatlong taon, na may mga aktibidad na nakatuon sa pagproseso ng niyog, pag-manage ng waste materials, at pag-develop ng small enterprise systems.

Nakatutok ang proyekto sa pag-assess at pag-upgrade ng kasalukuyang operasyon ng coconut MSMEs upang ma-evaluate kung paano maisasama ang circular at sustainable practices sa kanilang negosyo.

















