Naisalba sa bingit ng kamatayan ang may 20 na kababaihan na dumaranas ng komplikadong kaso na may kinalaman sa OB-gyne sa katatapos lamang na surgical mission sa South Cotabato General Hospital.
Ang mga pre-identified o nadeterminang mga pasyente ay matagumpay na sinailalim sa maselang operasyon katuwang ang mga doktor ng pagamutan at isang private hospital at ng Rotary Club of Koronadal.
Sinabi ni Provincial Hospital Chief Dr. Conrado Braña na layunin ng surgical mission ang pagbawas sa backlog ng mga tinatawag na elective surgeries sa mga kababaihan, matapos na maging prayoridad ang emergency surgery.
Ayon pa sa hepe ng pagamutan, ang misyon ay tugon na rin sa matagal nang inaabangan ng mga kababaihang may Obgyne cases sa Timog Cotabato.
Ito ay upang mapahusay rin ang serbisyong pangkalusugan ng Provincial Health Office.