Isinagawa nitong araw ng Lunes, November 4, ang paglulunsad ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Regional Plan of Action for Children (RPAC).

Ang RPAC ay naglalaman ng salaysay ng Gobyernong Bangsamoro tungkol sa estado ng mga bata sa rehiyon, na nagbibigay ng mga estratehiya na tutugon sa mga isyu na humahadlang sa mga karapatan ng mga bata sa kaligtasan, proteksyon, pag-unlad, pakikilahok, at mamuhay sa isang ligtas at climate-resilient na kapaligiran.

Ito rin ay isang patunay ng pagsasama-sama ng iba’t-ibang ministries, opisina at ahensya ng Bangsamoro, kasama ang ilang stakeholder, para sa paglikha ng isang mas ligtas na kapaligiran para sa mga magiging pinuno ng ating Bangsa.

Mismong si MSSD Minister Raissa Jajurie ang nanguna sa nasabing seremonya na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa kapitolyo ng rehiyon sa lungsod ng Cotabato.