Maaraming pwedeng mangyari mula sa susunod na linggo hanggang halalan sa susunod na taon, 2025.

Ito ang sinabi ni UBJP Spokesperson Mohajirin Ali matapos na matanong kung ano ang maaring kahinatnan ng partido matapos ang filing ng mga sasabak sa Bangsamoro Parliament Elections sa darating November 4-9.

Aniya, pagkatapos nang magiging filing ng mga magiging district representatives, makikita na sa susunod na linggo ang magiging hubog o kalipunan ng bawat partido.

Ibig sabihin, dito na makikita ang hubog o linyada ng bawat partido mula taas pababa.

Maari din anya na maraming mangyari mula sa natitirang mga buwan ng taong ito hanggang sa susunod na taon na halalan. Maari anyang may mga umatras may maari din aniyang umanib sa UBJP na ikagugulat ng lahat.

Ani Ali, kahit na anupaman ang maganap, ang tuon ng UBJP para sa halalang ito ay continuity o pagpapatuloy ng pamiminuno ng MILF sa rehiyon.