Patay ang isang 21 anyos na estudyante ng mapagpasyahan nitong barilin ang sarili sa loob ng isang simbahan sa St. William Parish Church sa bahagi ng Barangay Poblacion sa Passi City, Iloilo nitong Martes ng umaga
Base sa imbestigasyon ng Passi City Police, nakarinig ng malakas na alingawngaw ng putok sa loob ang caretaker ng nasabing simbahan at ng buksan, dito na nakita ang di na pinangalanang biktima na naliligo sa sarili nitong dugo at may tama ng bala ng baril sa ulo
Dito na agad dinala ng mga rumesponde ang biktima sa ospital na agad namang idineklara na Dead on Arrival
Ang biktima na nakatira sa bayan ng Calinog ay isang estudyante ng BS Business Administration sa isang unibersidad sa siyudad ng Passi
Nagiwan pa aniya ng suicide note ang biktima na naglalaman ng pagdaing nito sa problema sa pamilya na nag-ugat sa pagkitil nito sa kanyang hiram na buhay.

















