Isang insidente ng pagkalunod ang nangyari sa Purok Tadeken, Barangay Tuan A Barakat, Tamontaka IV, Cotabato City, bandang alas-2 ng madaling araw nitong Enero 3, 2026.

Ayon sa ulat, ang biktima na si Datumar Thoks, 21 taong gulang at residente ng Purok Tadeken, Barangay Tuan A Barakat, ay nalunod habang nangingisda sa lugar.

Ang insidente ay kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad, at ang barangay ay nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang masigurong maayos ang aksyon sa pangyayari.