Isinagawa sa Malacañang Palace noong Enero 7, 2026 ang Oath-Taking Ceremony ng dalawampu’t isang bagong-promote na Heneral ng Philippine Army at isang graduate mula sa Foreign Pre-Commission Training Institutions (FPCTI) sa harap ng Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga bagong senior military officers sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang pondo at ari-arian ng publiko bilang bahagi ng kanilang mandato na protektahan ang bansa.
Sa seremonya, muling pinagtibay ng mga bagong-promote na heneral ang kanilang pangako sa serbisyo publiko habang hinahawakan ang mahahalagang posisyon sa AFP at Philippine Army. Kabilang sa kanila si Lt. Gen. Donald M. Gumiran bilang Commander ng Western Mindanao Command, Lt. Gen. Arvin R. Lagamon bilang Commander ng Civil-Military Operations Command, at Maj. Gen. Adonis Ariel G. Orio bilang Commander ng Eastern Mindanao Command. Nasa listahan din sina Maj. Gen. Leo Edward Y. Caranto bilang Deputy Chief of Staff for Logistics, J4 ng AFP; Maj. Gen. Alvin V. Luzon bilang Commander ng 10th Infantry “Agila” Division; Maj. Gen. Michael L. Logico bilang Commander ng Training Command; at Maj. Gen. Jose Vladimir R. Cagara bilang Commander ng 6th Infantry “Kampilan” Division.

Kasama rin ang mga Brigadier Generals na sina Arlino L. Sendaydiego, Eddie M. Pilapil, Marces T. Gayat, Ernest John C. Jadloc, Edmund Paul R. Delos Santos, Yasser R. Bara, Pompeyo Jason M. Almagro, Ariel M. Reyes, Gregorio S. Nieveras, Emil J. Cruz, Venice James D. Bantilan, Christopher M. Diaz, Samuel G. Yunque, at Ronald M. Bautista, na lahat ay humahawak ng iba’t ibang mahalagang posisyon sa iba’t ibang yunit ng Philippine Army.
Ayon sa Philippine Army, ang seremonya ay patunay sa kanilang prinsipyo ng meritocracy at sa paninindigan ng kanilang kasabihan: “Our Strength is Our Personnel.”


















