Nakapagabot ng ayuda at tulong ang Ministry of Indigenous Peoples Affairs o MIPA-BARMM sa 22 na pamilyang katutubo na naging bakwit at matagal nang nanunuluyan sa isang evacuation Center sa Limpongo, Datu Hoffer sa Maguindanao del Sur.
Nakatanggap ang bawat pamilya ng mga bigas, canned goods, toiletries, kulambo, banig, water container at iba pa na kailangan nila para mairaos ang araw araw na sitwasyon.
Naging katuwang naman ng ahensya ang lokal na pamahalaan ng Datu Hoffer sa pamamahagi ng mga ayuda sa ilalim ng Programs and Operations Division.
Napilitan na lumikas ang 22 na pamilya mula sa malayong baryo patungo sa Barangay Mantao dahil sa patuloy na gulo sa kanilang lugar na sumiklab matapos na mapatay si Tribal Leader Baywan Angan sa Sitio Kokor noong Disyembre 7, 2024 dahil sa away lupa at noong Disyembre 19 naman ay ang naging pananambang sa isang IP group na bumibyahe pabalik sa Mantao na nagresulta sa dalawang patay kabilang na ang asawa ni Angan na si Cita.
Sa ngayon, nagsusumikap ang ahensya na makakalap pa ng iba pang pangmatagalang solusyon upang matugunan ang problema na kinakaharap ng mga IP’s sa rehiyong Bangsamoro.