Narekober ang 23 vintage bomb o Unexploded Explosive Ordnance (UXO) na pinaniniwalaang naiwan pa mula sa panahon ng World War II sa isang operasyon ng 3rd Explosive Ordnance Disposal (EOD) Platoon ng Philippine Army kasama ang AFP K9, Task Force Davao, at NBI Region XI sa Purok Balite, Barangay Buhangin, Davao City noong Enero 24, 2026.
Ang mga bomba ay kinilalang Type 99, No. 3, Mark 3 (Japanese Navy) na may bigat na 32 kilo bawat isa. Ayon sa mga awtoridad, kahit na matagal na ang mga ito at lumang-luma na, patuloy pa rin itong nagdudulot ng seryosong banta sa kaligtasan ng mga residente sa paligid.vv

















