Bagong tungkulin para sa kalinangan ang iniatang sa 238 na bagong hirang na mga teaching at non teaching personnel mula sa mga Schools Division Offices ng probinsya ng Maguindanao del Norte at Islamic City of Marawi matapos na manumpa ito sa ginanap na Mass Signing of Appointments at oath-taking ceremonies na pinangasiwaan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education-BARMM kahapon, October 15 sa Notre Dame Village Central Elementary School Covered Court.

Sa bilang na 238, 108 ang mula sa probinsya ng Maguindanao Norte habang 131 naman ang sa siyudad ng Marawi at lahat aniya ng mga ito ay nakapasa sa mahigpit na proseso ng pagsala ng Regional Human Resource Merit Promotion and Selection Board ng ahensya.

Dahil dito, magiging kabahagi na sila ng pamilya ng MBHTE na may layuning maghatid ng edukasyong dekalidad, inklusibo at makabago para sa lahat ng magaaral sa BARMM region.

Sa huli, hinikayat naman ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang mga bagong guro na patuloy na magpaunlad ng kanilang mga sarili at panatilihin ang katapatan sa adhikain ng paglilingkod para sa mamamayan at kabataan.