Umabot sa sampung libo (10,000) na mga Ulama, Imam at mga Ustadzes kabilang na din ang nasa iba pang mga sektor pangrelihiyon mula sa ibat-ibang probinsya sa Bangsamoro Region at iba pang mga lugar ang dumalo sa 23rd Annual General Assembly ng Committee on Da’wah & Islamic Affairs Central Committee sa kampo Darapanan sa Sultan Kudarat, Maguindanao Norte nitong Sabado, Hulyo 27.

Naging tema ng pagtitpon ang “Staying with the Group is Mercy while disunity is Punishment”.

Nasa pagtitipon naman si BARMM CM at UBJP President Al Haj Murad Ebrahim at UBJP VP at Education Minister Mohagher Iqbal at mga opisyales ng partido.

Nagkaroon naman ng Mass Oath Taking sa naturang asembliya ang mga dumalo na gustong sumali sa United Bangsamoro Justice Party o UBJP.