Ikinatuwa ng mga hepe ng bayan na sakop ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office matapos na ibalita ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu na maglalaan ito ng tig-isang patrol car sa dalumput apat (24) na Municipal Police Stations ng lalawigan.
Masaya itong ibinalita ng lady governor sa naging talumpati nito sa tatlong (3) araw na Capacity Building Workshop on Money Laundering and Terrorism Financing na ang mga sumalang ay ang police personnels ng lalawigan.
Sa pahayag ni Mangudadatu, sinabi nito na ang paglalaan ng mga sasakyan sa bawat MPS ay upang makatulong na mapalakas ang kampanya nito kontra kriminalidad at terrorismo.
Maliban pa rito, naglaan din ng two hectares na lupain ang Provincial Government sa bayan ng Datu Abdullah Sangki kung saan ililipat ang bagong punong tanggapan ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office mula sa bayan ng Shariff Aguak.
Sa huli, sinabi ng gobernadora na para naman sa mga nagbalik loob na miyembro ng armadong grupo ay magpapatuloy parin ang Agila Haven Program at Agila Arm to Farm Program na makakatulong sa mga ito.