Ipinagkaloob sa 25 na mga mag-aaral sa kolehiyo ng University of Southern Mindanao Kidapawan City Campus (USM-KCC) ang kanilang Tulong Dunong allowance kamakalawa ng Miyerkules, Nobyembre 6.

Nagkakahalaga ng P7,500.00 ang tinanggap ng bawat isa o katumbas ng P187,500.00 na halaga at bahagi ng tig P15,000.00 na kada taong laan bawat benepisyaryo.

Naging magkatuwang sa nasabing scholarship grant sina TUCP Partylist Representative Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza at Cotabato 3rd District Representative Maria Alana Samantha Santos kaagapay naman ang Commission on Higher Education.

Naging saksi sa pamamahagi ng naturang grant ang mga konsehales ng lungsod na sina Aying Pagal, Judith Navarra at Roshiel Gatuangco-Zoreta maging sina USM-KCC Chancellor Ronielyn Pinsoy at ang OSA director nito na si April Quiñonero.