Isinuko ng mga residente at miyembro ng komunidad ang 25 loose at unlicensed na armas sa isinagawang Balik-Baril Program ng 2nd Mechanized Infantry (Makasag) Battalion sa pakikipagtulungan ng LGU Lambayong noong Enero 19, 2026 sa Municipal Hall ng bayan, Sultan Kudarat, bilang bahagi ng nagpapatuloy na hakbang para sa kapayapaan at seguridad.

Ayon sa ulat, kabilang sa isinurrender na armas ang 13 fabricated 12-gauge shotguns (walong may magazines), iba’t ibang handguns at pistols gaya ng .22 caliber single-shot pistols, .38 caliber revolvers, at isang fabricated 12-gauge pistol, pati na rin ang mga rifles kabilang ang fabricated .30 caliber rifle, fabricated .38 caliber rifle, at isang M1 Garand .30 caliber rifle. Naiturn-over din ang mga high-risk weapons gaya ng fabricated Uzi 9mm carbine, fabricated RPG, at fabricated M79 grenade launcher na may kasamang ammunition, at lahat ay pormal na tinanggap at nilagay sa ilalim ng kustodiya ng 2nd Mechanized Infantry Battalion.

Dumalo sa programa ang mga key military officials kabilang sina BGen. Omar V. Orozco, Commander ng 1st Mechanized Brigade; LTC Raul P. Escat, Acting Commanding Officer ng 2nd Mechanized Infantry Battalion; at CPT Mark Jerusalem R. Deveza, Commanding Officer ng 23rd Mechanized Infantry Company. Kabilang din sa mga dumalo ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Francis Eric E. Recinto at mga barangay chairpersons mula sa Lilit, Katitisan, Lagao, Matiompong, Didtaras, Bilumin, Midtapok, Maligaya, Tumiao, Caridad, Tambak, Madanding, Pidtiguian, Kapingkong, Kabulakan, Pinguiaman, New Cebu, Pimbalayan, Baumol, Sigayan, Udtong, Palumbe, Sadsalan, Zeneben, at Mamali.

Ang Balik-Baril Program ay bahagi ng patuloy na hakbangin ng militar at lokal na pamahalaan upang mabawasan ang iligal na armas sa komunidad at mapalakas ang seguridad sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Source 2nd Mechanized Infantry “Makasag” Battalion