Nasawi ang isang 28-anyos na babae matapos matagpuan sa Atugan Bridge sa Sitio Kiasin, Barangay Capitan Bayong, Impasug-ong, Bukidnon noong hapon ng Pebrero 17, 2026. Kinilala ang biktima bilang si Claudine, isang dalaga at residente ng Poblacion, Impasug-ong.
Ayon sa mga saksi, bandang alas-5:00 ng hapon nakita ang biktima sa tulay habang may hawak na telepono at identification card bago ito natagpuan sa naturang lugar.
Agad namang rumesponde ang kapulisan ng Impasug-ong at ang rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Narekober ang katawan ng biktima bandang alas-6:40 ng gabi.

















