Trahedya ang sinapit ng tatlong menor de edad matapos silang masagasaan ng isang concrete mixer truck sa Sitio Balagunon, Barangay Managa.

Kinilala ang mga biktimang bata na sina alias Ren (10), Ronie (12), at Jun (9), pawang residente ng lugar. Agad silang isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.‎‎

Nasawi rin ang driver ng truck na kinilalang si alias Ron (39) mula Barangay Guihing, Hagonoy, habang nakaligtas naman ang pahinante na si alias Lino (45) mula Bangkal, Davao City.‎‎

Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver nang pumalya umano ang preno ng sasakyan at bumangga ito sa gilid ng kalsada, dahilan upang masagasaan ang tatlong bata.

Ayon pa sa pahinante, bago pa ang insidente ay binalaan na niya ang driver tungkol sa problema sa preno ngunit nagpatuloy pa rin ito sa biyahe.‎‎

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Traffic Section ng PNP-Bansalan kaugnay ng insidente.