Magkakahiwalay na nahuli ang tatlong indibidual na ang isa ay kasapi ng teroristang Dawlah Islamiyah sa operasyon ng magkasanib na sundalo at pulisya sa Lalawigan ng Maguindanao Sur.
Kinilala ng pinuno ng 40th IB Magiting ang nahuli na si Salah Tunda na mas kilala sa mga alyas na Salahudin Sabpa at Botoy na kasapi ng DI- Hassan Group at nahaharapnsa mga kasong pagpatay at dobleng tangkang pagpatay at nadakip ito sa bayan ng Ampatuan.
Samantala, arestado naman ang dalawang katao matapos makuhanan ng mga baril na walang kaukulang dokumento o lisensya sa ikinasang operasyon ng mga taga 1st Mechanized Battalion kasama naman ang pulisya ss GSKP, Maguindanao Sur.
Kinilala ng 1st MB ang mga nahuli na sina Erap Taluyan Guiangkong alyas Erap at Datu Nor Landasan Galmak.
Nakumpiska dito ang mga riple, bandolyer, ibat ibang uri ng mga magasin at bala.
Kapwa naman pinuri nina BGen. Oriel L. Pangcog ang commander ng 601st Brigade at ni BGen Andre Santos na syang commander ng 1st MB ang mga kasundaluhan at pulisya na nagpapatupad ng batas at walang sawang tumutugon sa tawag ng tungkulin.
Ganoong papuri rin ang ipinahayag ni Major Gen. Antonio Nafarette na syang commander ng 6ID at JTF Central sabay pasalamat sa mga ginagawa ng ating mga sundalo at kapulisan.