Tinangkang pasukin ang bahay ni Atty. Kitem Kadatuan Jr., sa Rosal St., RH-6 Cotabato City, pasado alas onse kagabi, December 18, 2024.
Napigilan ang mga suspek sa balak ng mga ito na manloob sa bahay ng naturang abogado. Sa naging facebook post ni Atty. Kits Kadatuan Jr., ipinakita nito ang mga litrato at CCTV footage ng taong nangahas na pumasok sa kanyang bahay.
Dumaan umano ang lalaki sa isang abandonadong kalapit bahay nito na agad namang nahagip ng CCTV kaya agad-agad itong naagapan.
Ayon kay Atty. malakas ang kutob nito na napag-aralan na ng suspek ang nasabing lugar dahil sa gumamit ito ng payong na syang mag tatakip sa muka nito.
Maka ilang beses ring sumigaw si Atty. Kadatuan saka sinundan nito ng warning shot na agad namang nakapag patakbo sa suspek at tumakas papuntang likod bahay at naiwan din nito ang dala-dala nitong payong ilang metro mula sa bahay ng naturang Atty.
Sinabi rin ni Atty. Kadatuan na tatlo ang posibleng mga suspek base na rin sa mga nakasaksi na sinasabing mayroong tatlong kalalakihang tumatakbo papalayo sa nasabing lugar.
Nagpapatuloy parin sa pag alam sa motibo sa tangkang panloloob ng suspek sa bahay ng nasabing Atty.
Nagpapasalamat naman si Atty Kadatuan sa kanyang mga kapitbahay na tumulong at sa mga kapulisang agad rumisponde sa insidente.