Nasabat ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 20 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang drug suspek sa isang hotel sa Dipolog City noong hapon ng Sabado.

Ayon kay PDEA Region 9 Regional Director Maharani R. Gadaoni-Tosoc, tinatayang nasa tatlong kilo ng shabu ang nakuha mula sa suspek.

Kinilala ang suspek bilang isang 47-anyos na driver na residente ng Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City.

Napag-alaman na ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).

Ang operasyon ay resulta ng masusing intelligence gathering na ginawa upang masubaybayan ang kilos ng suspek.

Nanawagan naman si Director Gadaoni-Tosoc sa publiko na makipagtulungan sa mga law enforcement agencies.

Hinikayat niya ang mamamayan na ipagbigay-alam ang anumang impormasyon tungkol sa mga illegal na aktibidad upang mapigilan ang paglaganap ng droga at iba pang krimen sa probinsya.

Dagdag pa niya, ang kooperasyon ng komunidad ay mahalaga upang tuluyang masugpo ang ilegal na droga sa rehiyon.

Ang mga impormasyong ibinibigay ng mga residente ay malaking tulong upang mapabilis ang aksyon ng mga awtoridad laban sa mga sindikato ng droga.

Patuloy na pinaalalahanan ng PDEA ang publiko na maging mapagmatyag at agad magsumbong kung may nalalaman tungkol sa mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.