‎Ilang bahagi ng Mindanao ang niyanig ng magkakahiwalay na lindol ngayong Sabado, Abril 26, 2025, ayon sa ulat ng PHIVOLCS.

‎Dakong 4:47 ng madaling-araw, tumama ang isang magnitude 4.4 na lindol sa layong 36 kilometro hilagang-kanluran ng Lebak, Sultan Kudarat. May lalim itong 10 kilometro. Naitala ang Instrumental Intensity II sa Kalamansig at Lambayong sa Sultan Kudarat, at sa Santo Niño, South Cotabato. Intensity I naman ang naitala sa Zamboanga City, Siocon sa Zamboanga del Norte, at Norala sa South Cotabato.

‎Bandang 6:13 ng umaga, isang magnitude 2.4 na lindol ang tumama sa layong 9 kilometro timog ng Tampilisan, Zamboanga del Norte, may lalim na 18 kilometro.

‎Kasunod nito, alas 6:54 ng umaga, niyanig din ng magnitude 2.2 na lindol ang 25 kilometro hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may parehong lalim na 18 kilometro.

‎Walang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks ayon sa mga awtoridad, ngunit pinayuhan ang publiko na manatiling alerto sa anumang pagyanig.