Nasamsam ng 49th Infantry Battalion, sa ilalim ng operational control ng 901st Infantry Brigade, 9th Infantry Division, ang tatlong M16 rifles at iba pang kagamitang pandigma sa kabundukan ng Brgy. Lomacao, Guinobatan noong Marso 20, 2026.
Kabilang sa mga nakumpiska ang mga bala, magazines, bandolier, at isang Improvised Explosive Device (IED), na pinaniniwalaang pag-aari ng natitirang miyembro ng Communist NPA Terrorists (CNTs) na kumikilos sa rehiyon ng Bicol. Ayon sa yunit, ang pagkaka-recover ng mga armas ay nagpapakita ng patuloy na paghina ng grupo, na may kasamang pagbawas ng miyembro at suporta mula sa komunidad.
Binanggit ng 901st Brigade na ang mas pinatatag na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng serbisyo at development programs ng gobyerno ang susi upang maiwasan ang muling pag-usbong ng CPP-NPA at masiguro ang pangmatagalang kapayapaan sa mga lokal na komunidad.

















