Nagpapatuloy parin ang ginagawang search and rescue operation ng Bangsamoro READi sa (3) tatlo katao na nawawala mapahanggang sa ngayon dahil sa taas ng tubig-baha sa bayan ng Matanog, Maguindanao del Norte.

May mga naitala ring mga na stranded na mga residente sa lugar dahil halos hindi madaanan ang tulay sa pagitan ng Parang Maguindanao del Norte at Matanog Maguindanao del Norte dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.

Sa ngayon, pahirapan ang mga rescuers at ilang otoridad ng pamahalaan dahil sa nabinggit na hindi madaanang tulay.

Ang mga ahensya ng Bangsamoro Government na nasa lugar ngayon ay ang Bangsamoro READi, MPW, PNP, PDRRMO MDN, at BFP na siyang umaalalay sa mga nagsilikas at gumaganap ng rescue operation sa lugar.