Tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang loob na sumuko sa mga awtoridad sa 1003rd Maneuver Company, RMFB 10 Headquarters sa Sitio Colon, Brgy. Halapitan, San Fernando, Bukidnon, nitong Pebrero 10, 2026, bilang bahagi ng kanilang pagbalik-loob sa lipunan.

Kinilala ang isa sa mga sumuko bilang si alyas Albert, 29-anyos, dating miyembro ng GF 89, NCMRC. Isinuko niya ang isang improvised shotgun at tatlong bala. Kasama rin sa sumuko sina alyas “Toto,” 42-anyos, at “Gamay,” 24-anyos, na isinuko rin ang kani-kanilang improvised shotgun at ilang bala.

Ang tatlong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng RMFB 10 para sa custodial debriefing at profiling. Ang mga isinukong armas naman ay pansamantalang iniingatan ng supply unit.

Ayon sa pulisya, patuloy ang panawagan sa iba pang rebelde na samantalahin ang programa ng pamahalaan at sumuko, bilang hakbang sa pagkamit ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.