Patay ang tatlong pulis at isang babae matapos pagbabarilin ng isang Police Staff Sergeant sa Negros Oriental bandang alas-9 ng gabi noong Enero 9, 2026.

Kinilala ang mga biktima bilang Police Captain Jose Edrohil Cimafranca, Chief of Police ng Sibulan Municipal Police Station, Police Senior Master Sergeant Tristan Chua, Patrolman Rey Albert Temblor, at si Shiela Mae Dinanao. Ang suspek naman ay nakilala bilang Police Staff Sergeant Bonifacio Saycon, na sumuko matapos ang halos isang oras na pagtakas.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagresponde ang tatlong pulis nang makatanggap sila ng ulat na pinagbabaril ni Saycon si Shiela Mae Dinanao. Habang pauwi na ang mga pulis sa istasyon dala ang suspek, naganap ang pamamaril na ikinamatay ng tatlong pulis.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong pangyayari at maayos ang kaso.