Tatlong katao ang nagtamo ng sugat matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Purok Quirino, Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato, nitong umaga ng Biyernes, Setyembre 19, 2025, bandang alas-6:54.

Ayon sa ulat, sangkot sa insidente ang isang Rusi Flame 150 na may sakay na dalawang back rider at isang Kawasaki Bajaj 125. Sa lakas ng salpukan, parehong nagtamo ng pinsala ang mga nasangkot.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang sanhi ng aksidente.