Tatlong indibidwal ang naaresto sa isang anti-illegal drug operation sa Barangay Namuken, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, nitong gabi ng Pebrero 5, 2026, bandang 7:20 ng gabi.
Ayon sa ulat ng Sultan Mastura Municipal Police Station (MPS), pinangunahan ang operasyon ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) sa pangunguna ni PMAJ Albert M. Carbungco, Acting Chief of Police, kasama ang 3rd MP, 1401st RMFB 14A, at PDEU MDNPPO.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rico, 39 anyos, may asawa at residente ng Barangay Namuken; isang 26 anyos na lalaki, single at residente ng Payong 2, Barangay Macabiso; at isang 22 anyos na babae, may asawa at residente ng MB Rosary Heights, Cotabato City. Lahat ng suspek ay walang trabaho at bagong nakilalang drug personalities.
Agad dinala ang tatlo sa Sultan Mastura MPS para sa booking at dokumentasyon. Ang nakuhang droga ay ipapadala sa Regional Forensic Unit – BAR para sa qualitative at quantitative examination.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nahaharap sa kaso ng paglabag sa Section 5, 12, at 15 ng Article II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang operasyon ng Sultan Mastura MPS at mga katuwang na ahensya upang mapanatili ang seguridad at maiwasan ang paglaganap ng ilegal na droga sa bayan.

















