Nagbunga ng matinding accomplishment ang tinaguriang strongest campaign PRO-BAR ever made against criminality and drugs. 32 na mga law breakers ang kanilang naaresto sa isinagawang Regionwide Operation ng opisina at ang 14 dito ay ang mga drug personalities na sangkot sa droga ayon sa mismong Regional Director ng PRO-BAR na si PBGen. Romeo Macapaz.

Nakumpiska sa labing-apat ang higit sa isang milyong pisong halaga ng shabu na aabot sa 172 gramo ang bigat.

Sa pinalakas naman na man-hunt operations ng PNP laban sa mga taong pinaghahanap ng batas, dalawa naman dito ang naaresto ng kapulisan.

Sa loose firearms o mga di dokumentadong mga baril at armas, 23 naman ang nakumpiska at isinuko habang isa naman ang arestado dito.

4 naman ang naaresto sa illegal gambling o iligal na palaro.

15 na katao naman ang nalambat sa mas pinalakas na pagrerekisa o checkpoint operation at pagpapatupad ng mga mandato o ordinansa municipal at iba naman rito ay nakuhanan pa ng mga eksplosibo at pampasabog.

Asahan na ang mas matindi pang mga operasyon ng PRO-BAR sa susunod na taon lalo’t papalapit na rin ang pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2025.