Pinangunahan ni PBGen. Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), ang Oath-Taking at Turnover Ceremony ng mga bagong Patrolman at Patrolwoman sa ilalim ng Calendar Year 2025 Regular Recruitment Program.
Ginanap ang seremonya noong Disyembre 26, 2025 sa PRO BAR Grandstand, Camp BGen. Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad si Atty. Fahd A. Candao, Regional Director ng National Police Commission (NAPOLCOM) BARMM, bilang kinatawan ng ahensiya.
May kabuuang 320 Patrolman at Patrolwoman ang opisyal na nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Philippine National Police—hudyat ng kanilang pormal na pagsisimula sa tungkuling maglingkod at magpanatili ng kaayusan, kaakibat ang integridad, propesyonalismo, at tapat na serbisyo sa publiko.

















