Iginawad sa pamamagitan ng isang regional ceremonial awarding ang 379 milyong piso na halaga ng mga makinarya sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF Mechanization Program sa National Irrigation Administration 12 sa lungsod ng Koronadal.
Nanguna sa aktibidad sina NIA 12 Regional Manager Engr. Diosdado Rosales at Department of Agriculture 12 Regional Executive Director Roberto Perales.
Aabot sa eksaktong halaga na 379,446,526.00 ang halaga ng 137 na yunit ng agricultural machineries at post harvest facilities na ipinagkaloob ng DA-Philmech sa mga benepisyaryong magsasaka.
Kabilang sa ipinamudmod ang 50 na 4 wheel na traktor, 15 precision seeders, 46 rice combine harvesters at 13 drying systems.
Mga kooperatibang pangsakahan at mga asosasyon at ilang mga LGU ang tumanggap ng mga makinarya bilang suporta sa kanilang palay production at iba pang gawaing pang agrikultura.
Layunin ng nasabing programa na palakasin ang farm mechanization, bawasan ang pagkalugi sa produksyon at post harvest at mapabuti ang operasyon ng mga magsasaka ng palay.
Ang nasabing distribusyon naman ng mga makinarya ay bahagi ng patuloy na suporta ng nasyonal upang mapataas ang ani at kita ng mga maguuma sa rehiyon.