Lima ang naitalang nawawala matapos ang isang malakas na lindol na may lakas na magnitude 7.7 na tumama sa Myanmar noong nakaraang linggo. Apat sa mga nawawala ay mga guro mula sa Pilipinas na nagtuturo sa nasabing bansa.
Ang kanilang tinutuluyang condominium ay gumuho nang maganap ang malupit na pagyanig.
Sa ngayon, ang mga pamilya at kaibigan ng mga guro ay nagdasal at umaasa na makikita silang ligtas.
Patuloy parin sa paghahanap ang mga otoridad sa kanila at pagpapadala ng tulong sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
Ang mga guro ay kilala sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo at ang buong komunidad ay nagkakaisa sa panalangin para sa kanilang kaligtasan.