Kalaboso ng kapulisan sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur ang apat na kalalakihang suspek matapos na magsagawa ng hot pursuit operation ang PNP nang makatanggap ng sumbong mula sa ama ng biktima ng panggagahasa.

Sa nakuhang report mula sa kapulisan, matapos na gawin ng apat na manyakis ang panggagahasa sa biktima ay agad itong tumakas, at agad-agad naman na nakapag sumbong sa kanyang ama.

Agad ring nahuli ang mga rape suspek matapos maisagawa ang operasyon.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang apat na suspek para harapin ang kasong naka amba sa kanila.