Isinuko ng mga residente ng bayan ang apat (4) na loose firearms sa militar nitong Miyerkules, bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa paglaganap ng iligal na armas sa rehiyon.

Kabilang sa mga isinukong armas ang isang M79 40mm grenade launcher, dalawang US Cal. 30 M1 Garand rifles, at isang 60mm mortar.

Ayon kay Lt. Col. Al Victor C. Burkley, Commander ng 6th Infantry Battalion, bunga ito ng pinaigting na implementasyon ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program na layuning bawasan ang bilang ng mga loose firearms sa komunidad.

Ang mga nasabing armas ay agad na itinurn-over kay Brigadier General Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry Brigade, sa isinagawang Municipal Peace and Order Council (MPOC) Meeting.

Samantala, muling nanawagan si Major General Donald M. Gumiran, Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force-Central, sa publiko na makiisa sa mga hakbangin ng pamahalaan upang tuluyang masugpo ang presensya ng mga iligal na armas at mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong Mindanao.