Kinilala na ang apat na pulis na nasawi matapos mahulog ang kanilang patrol vehicle sa malalim na bangin sa Sitio Napangan, Barangay Napangan, hapon ng Pebrero 13.

Ang mga nasawi ay sina PSSg. Vilcon Tuyan Macabugto, Pat. Neljie Arsula Marban, Pat. Rudilyn Ruiz Pacut, at Pat. Louel Geraga Cordova, na bahagi ng grupo na nagsilbing escort sa isang aktibidad ng Binibining Pilipinas sa Lake Duminagat.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tukuyin ang eksaktong sanhi ng aksidente at matiyak ang kaligtasan sa naturang delikadong ruta.