Apat ang isinugod sa ospital matapos masangkot sa isang aksidente sa Barangay Poblacion, Alamada, Cotabato, kagabi, Setyembre 4, 2025

Batay sa ulat, sangkot sa insidente ang isang multicab at isang motorsiklo. Sa lakas ng banggaan, nadaganan pa ng multicab ang ilan sa mga biktima na nagresulta sa kanilang malubhang pagkakasugat

Agad namang rumesponde ang mga residente at awtoridad upang maisugod sa ospital ang mga sugatan. Sa kasalukuyan, inaalam pa ang sanhi ng aksidente maging ang pagkakakilanlan ng mga biktima

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong detalye ng insidente.