SUGATAN ang apat (4) na katao matapos magkasalpukan ang dalawang sinasakyang motorsiklo sa National Highway ng Purok 1, Brgy. Tigbao, Mlang, Cotabato.
Sa ulat ng Mlang Municipal Police Station, binabaybay ng ng dalawang menor de edad na sina Emmanuel Peñalosa Barrera at Lawrence Denn Galan Salazar, parehong 14 anyos, sakay ng scooter ang kahabaan ng nasabing highway nang makasalpukan nila ang dalawang 19 anyos na babaeng motorista na sina Sharlene Ventura Subiate at Regine Ventura Subiate.
Parehong nagtamo ng mga sugat ang apat na mga tinedyer na mabilis namang naisugod sa bahay pagamutan para malapatan ng paunang lunas.
Pinaalalahanan ng mga kapulisan ang mga motorista na magdoble ingat sa pagmamaneho dahil ang disgrasya walang pinipiling oras.