Umabot sa 40 degrees Celsius ang heat index na naitala kahapon, March 16 sa lungsod ng Cotabato, ayon sa PAGASA.
Ang heat index, na tumutukoy sa “feel-like temperature” o init na nararamdaman ng katawan, ay nasa antas na maaaring magdulot ng pagkapagod, heat cramps, at heat exhaustion kapag matagal na nabibilad sa init.
Batay sa monitoring ng PAGASA, nananatiling mataas ang heat index sa mga nakalipas na araw at inaasahan pang magpapatuloy ang matinding init sa mga susunod na araw.
Dahil dito, pinaalalahanan ang publiko na uminom ng maraming tubig, iwasan ang direktang sikat ng araw lalo na sa tanghali, at magsuot ng proteksyon tulad ng payong o sombrero kung kinakailangang lumabas.
Patuloy namang mino-monitor ng PAGASA ang sitwasyon at hinihikayat ang lahat na manatiling alerto upang maiwasan ang heat-related illnesses.

















