Kinumpirma ni PBGen. Romeo Macapaz, direktor ng Police Regional Office-BAR, na may walong election-related incidents (ERI) sa rehiyon, kung saan lima ang kumpirmadong insidente ayon sa Special Investigation Task Group (SITG).

Kabilang dito ang pamamaril sa pangulo ng Liga ng mga Kapitan sa Datu Abdullah Sangki, pamamaril kay Datu Salibo Vice Mayor Omar Samama, pananambang sa isang election officer sa Lanao del Sur, at mga sunod-sunod na patayan sa SGA at Datu Odin Sinsuat.

Sa buong rehiyon, 109 lugar ang may security concerns, kabilang ang Lanao del Sur na may 35, Maguindanao Sur na may 24, at Cotabato City.