Nasawi ang limang mag-aaral ng Mulao Elementary School sa Liloan bilang resulta ng matinding epekto ng Bagyong Tino.

Kinilala ang mga biktima bilang sina: Jherem (Grade 5), James (Grade 4), Jayde (Kinder), Charelyn Rose (Grade 2), at Khent Xyrus (Kinder).

Ayon sa pahayag ng paaralan, ang mga bata ay inilarawan bilang “matalino, may talento, at puno ng pangarap.” Nanawagan ang Mulao Elementary School sa publiko na ipagdasal ang mga pumanaw na mag-aaral at ang kanilang mga pamilya sa gitna ng trahedya.

Ayon sa ulat ng NDRRMC, umabot na sa 232 ang nasawi, 112 ang nawawala, at 532 ang nasugatan dahil sa bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Patuloy na nagbabantay at nag-uulat ang mga awtoridad sa sitwasyon sa Liloan at iba pang lugar na apektado ng Bagyong Tino. Inirerekomenda sa publiko ang pagiging alerto at pagsunod sa mga paalala ng lokal na pamahalaan.