Patay ang limang pulis habang tatlo ang sugatan matapos tambangan ang tropa ng 2nd Provincial Mobile Force Company bandang alas-9:10 ng gabi sa Maguindanao Street, Brgy. Mother Poblacion.‎‎

Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Kenneth Perocho, Patrolman Al-Fatah Marohom, Patrolman Amil Bangsa, Patrolman Arsenal Sivih at Patrolman Sayed Ridwan.‎‎Sugatan naman sina Police Lieutenant Alfred Gregory, Police Staff Sergeant Adam Kamarudin Kansi at Patrolman Abubakar Lauban.‎‎

Batay sa ulat, pauwi na sana ang mga pulis sa Camp Datu Akilan matapos ang kanilang patrol nang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

‎‎Agad na isinugod sa IPHO-Maguindanao ang mga sugatang pulis habang dinala rin doon ang mga nasawi.‎‎

Kabilang sa mga agarang aksyon ng awtoridad ang pag-secure sa lugar ng insidente, pag-alerto sa mga kalapit na himpilan, at pagsasagawa ng hot pursuit operations laban sa mga tumakas na suspek.‎‎

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin.‎