Hindi hadlang ang edad para makamit ang matagal nang minimithi — kahit pa ito’y tuli.
Iyan ang pinatunayan ng 52-anyos na si “Tatay Soy” mula Barangay Sta. Cruz, Koronadal City, na sa wakas ay nagpatuli sa isinagawang libreng medical mission ni dating Congressman Dr. Peter B. Miguel.
Sa halip na kabataan, si “Tatay Soy” ang naging sentro ng atensyon sa araw na iyon matapos siyang personal na tuliin ni Dr. Miguel. Aminado siyang kabado ngunit determinado siyang sumailalim sa proseso.
Matapos ang procedure, binigyan pa siya ni Dr. Miguel ng munting pabuya bilang simbolo ng tapang at inspirasyon para sa iba.
Bukod sa libreng tuli, tampok din sa naturang medical mission ang libreng check-up, eye check-up, gamot, at gupit para sa mga residente ng barangay.
Ayon kay Dr. Miguel, bahagi ito ng kanyang patuloy na adbokasiya para sa isang mas maayos at mas “Kanami” nga South Cotabato — isang lugar kung saan may malasakit at ngiti sa bawat serbisyo.
Para kay “Tatay Soy,” hindi lamang ito simpleng tuli — kundi isang bagong simula na nagpapatunay na hindi kailanman huli ang lahat para maging “ganap na lalaki.”

















