Kinumpirma ng Ministry of Health–BARMM ang unang dalawang kaso ng Mpox sa rehiyon: isang 59-anyos na lalaki mula Bulalo, Sultan Kudarat at isang 28-anyos na babae mula Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Pareho na silang naka-isolate at nasa maayos na kondisyon.
Ayon kay Health Minister Dr. Kadil Sinolinding Jr., mas pinaigting na ang surveillance, public information drive, at inter-agency coordination para pigilan ang pagkalat ng sakit.
Anim pa ang mahigpit na mino-monitor, kabilang ang tatlong residente ng Cotabato City, at tig-iisa mula Sultan Kudarat, Parang, at Datu Montawal.
Ipinatutupad na ang 21-araw na quarantine, araw-araw na health checks, at paghahanda ng mga ospital para sa mga posibleng kaso.
Paalala ng MOH: iwasan ang direct skin contact, magsuot ng face mask, panatilihin ang kalinisan, at sundin ang mga payo ng health authorities.