Mahigit sa limang libo (5000) na mga dating Bangsamoro OFW ang dumalo sa ginanap na Consultative Meeting and 3rd General Assembly ng Former Overseas Bangsamoro Workers Association Incorporated.

Kabilang sa mga panauhin ay sina Chief Minister Ahod Ebragim, MBHTE Minister Mohagher Iqbal at Maguindanao Norte Governor Sammy Macacua.

Ang nasabing pagtitipon ay tumalakay sa usapin at pangangailangan ng mga dating overseas Bangsamoro Workers at binigyang pagpapahalaga dito ang kanilang papel sa pagpapaunlad ng BARMM sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa mga sangay ng gobyerno at iba’t ibang kinatawan ng sektor.