Nasabat ang abot 6.8 million pisong halaga ng ipinag babawal na droga ng pinag sanib puwersa ng Sultan Kudarat PNP at Datu Odin Sinsuat PNP pasado alas tres ng hapon kahapon araw ng Martes, July 23 sa Barangay Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Cotabato News Team, kinilala ang suspetsadong si Morsalon Tantung na residente ng Barangay Dalapang, Labangan, Zamboanga del Sur; habang nakatakas naman ang dalawa pang mga kasamahan nito.

Ang naturang buy bust operation ay isasagawa sana sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, ngunit sa pakikipag negosasyon ng mga kapulisan sa suspetsado ay matagumpay na naaresto ito sa Barangay Crossing Awang, Maguindanao del Norte.

Nakumpiska sa naturang suspek ang isang kilong shabu na nag kakahalaga ng 6.8 milliong piso, Identification Cards at sasakyan nitong Toyota Vios.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat Maguindanao del Norte PNP ang suspek at nakatakdang samapahan ng kasong pag labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ng RA9165.

Photo for illustration only.