Inaresto ng mga autoridad ang anim (6) katao habang nabuwag naman ang drugden na pinagkublian nito sa Barangay General Paulino Santos sa siyudad ng Koronadal.

Kinilala ng Marbel PNP ang mga suspek na sina alyas Michael na walang trabaho, Mitch, Emman at Mike na pawang mga tsuper ng trisikel sa lungsod habang huli rin ang taga Banga na si alyas John at taga General Santos City na si alyas Sally.

Nakumpiska sa magkatuwang na operasyon ng PDEA Sultan Kudarat at South Cotabato pati na rin ang Koronadal at South Cotabato PNP ang 6 na sachet ng shabu na may tinatayang halaga na 41,800 pesos, isang granada, 4 na mga bala ng 12 gauge shotgun at iba pang mga parapernalya maging ang buybust money na 1,000 pesos.

Ang mga suspek ay nasa kustodya na ng PDEA 12 at kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Anti Dangerous Drugs Act of 2002.